1 Mekree

Wikang Filipino Daang Matuwid Essay Writing


Wika: Susi sa Pambansang Kaunlaran

Ni: Carl Joseph Lanada

 

Ako ay Pilipino. Nabubuhay sa lupang tinaguriang Perlas ng Silangan… at nakikipagugnayan sa mundo sa pamamagitan ng wika. Sa mga hurado at sa mga naririto ngayon, ngalan ko’y___________ At hiling ko’y makinig kayo sa mga sasabihin ko.

 

Wika… ang siyang nag iisang instrumento upang maiugnay ang mga mamamayan ng bansa upang magkaroon ng malakihang pagbabago tungo sa matuwid na daan. ito din ang nag iisang bagay upang mag kaunawaan ang mga tao sa mundo… at nag iisang sandata upang magkaisa ang mga mamamayan laban sa mga suliranin ng bansa.Marami ang nagagawa ang Wika upang mapabago ang kalagayan ng nasyon. Mula sa umpisa hanggang sa katapusan… ito ang bagay na kailanman ay hindi mawawala sa mundo.. isang susi nakapag ginamit ng mabuti ay magsisilbing isang kayamanan ng bansa tungo sa kaunlaran.

 

Kung ang mga taong mababait ay walang boses o wika sa lipunan… tiyak ay patuloy nadadami ang mga masasamang loob na walang humpay sa paggawa ng hindi magagandang bagay sa bansa. Hanggat walang nagsasalita upang pumuna, tiyak ay patuloy ang saya ng mga demonyo sa bayan. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaroon ng lakas ng loob ang mga anghel sa paligid upang isigaw at ipadinig sa lahat ang kanilang mga nakikita nang sa gayon ay magkaroon ng isang matinding paghuhusga na siyang magdadala upang makagawa ng mga batas na siyang magbibigay ng kaparusahan sa kung sino man ang lalabag sa mga ito… kung gayon… ang Wika natin ay nagsisilbing instrumento ng Katarungan at Kapayapaan ng bansa.

 

Sundan pa natin ang mga eksena… Kung may mga demonyo ay tiyak na may mga buwaya din sa lipunan na walang habas na gumagastos ng malaki para sa sariling kapakanan na ginagamit ang dugo at pawis ng mga mamamayan. Kung walang maglalakas loob na magsalita upang sabihin kung sino sila, walang duda na tuloy tuloy lang ang paglaki ng kanilang mga tiyan. Ang resulta, yumayaman sila, naghihirap ang bansa. Ngunit sa pamamagitan ng wika at katapatan ay nagkakaroon ng lakas ang loobang mga tinaguriang WhistleBlowers upang ituro ang mga taong sangkot sa pagkamkam sa kaban ng bayan. Nang dahil sa kanila, ang ilan sa mga malalaking buwaya ng lipunan ay nailagay na rin sa wakas sa koral. Kung gayon… ang Wika natin ang ay nagsisilbing instrumento laban sa Katiwalian ng bansa.

 

Mahalaga ang edukasyon sa isang tao… at kabilang sa asignaturang itinuturo ay ang wika. Kung walang wikang itinuturo sa lahat ng paaralan, tiyak na walang maiintindihan ang mga estudyante sa paaralan… ang resulta, mababang marka, kulang sa galling, kawalan ng trabaho na hahantong sa kahirapan ng tao… na hahantong sa kahirapan ngbansa. Anang saklap naman ng buhay kapag ganon.. dahil dito, Kailangang kailangan na magkaintindihan ng mga Guro at Estudyante nang sa gayon ay pumasok sa kanilang mga isip ang mga impormasyon na magagamit nila sa kanilang kinabukasan. Kapag sa oras na maganda ang resulta, uunlad ang tao at di kalaunan ay uunlad din ang bansa. Tandaan, ang susi upang maka alpas sa bangin ng kahirapan ay ang kaalaman sa mga bagay bagay… kung gayon… ang Wika sa katawan ng Karunungan ay siyang sandata laban sa Kahirapan ng bansa.

 

Mahalaga din ang nagagawa ng wika sa larangan ng ekonomiya. Isipin mo nalang kung walang wika ang isang bansa… tiyak ay walang humpay na magkakakanya kanya ang lahat ng industriya , resulta ng isang malawakang kompetisyon na hindi masyadong maganda sa ekonomiya ng bayan. Kung wala ring wikang alam ang isang bansa, tiyak ay wala ring mga dayuhan na mamumuhunan sa bansa dahil wala tayong instrumento upang makipag ugnayan sa kanila. Nang dahil sa wika, nakakagawa ng mga unyon ang mga magkakatulad na industriya nang sa gayon ay magkaroon ng isang malakihang paglago ng ekonomiya at empleyo sa nasyon. Kung gayon… ang wika sa katawan ng Komunikasyon ay susi sa Mabilisan, Inklusibo, at Sustenidong Kaunlaran ng bansa.

 

Huwag din nating kakalimutan na sa pagharap sa mga suliranin at pag unlad ng bansa ay dapat din nating pahalagahan ang mga lugar kung saan tayo kumukuha ng mga materyales at pagkain… ang ating Inang Kalikasan. Isipin mo nalang ulit kung walang wikang gagamitin ang mga tao upang sawayin ang ibang mga nilalang na walang ka abog abog na naninira sa kalikasan. Tiyak ang mga kristal na tubig sa mga ilog ay magmimistulang daanan na ng mga basura, ang mga dating bundok ay siguradong patag at mga Subdivision na, ang mga malalagong gubat ay tiyak na magiging disyerto. Ang resulta, Malalakas na bagyo, Landslide, at kung ano ano pang mga sakunang gawa ng Kalikasan. Buti nalang at nang dahil sa wika ay unti unti nang maibabalik sa dati ang mga patay na ilog, nagiging luntian ang mga kalbong bundok, nagiging kontrolado na ang bilang ng pagmimina at pagtrotroso at naiiwasan ang paggamit ng kung ano anong mga bagay na tiyak na makakapanira sa kailkasan. Kung gayon, ang wika ay siyang nagiging kalasag upang lubos na mapangalagaan ang Kapaligiran ng bansa.

 

Wika, Wika Wika, Andami ng nagagawa ng wika na siyang pagkakakilanlan ng ating bayan.Tunay nga na ito ay mahalaga upang umarangkada sa pag unlad ang isang bansa. kung wala ito,magmimistula tayong isang jip na umaandar ng paatras. Mas maigi na lalopa nating linangin ang ating wika dahil ang Wika natin ay siyang ating Daang matuwid tungo sa kaayusan at kaunlaran ng bansa.Ako ay Pilipino. Nabubuhay sa lupang tinaguriang Perlas ng Silangan… at nakikipagugnayan sa mundo sa pamamagitan ng wika. At ang wikang gamit ko ay ang wikang Filipino! Sa mga hurado at sa mga naririto ngayon, isang mapagpalang araw sa inyong lahat!


© Copyright 2018 Carl Joseph Lanada. All rights reserved.

You cannot think about sweet dreams because essay writing sa wikang filipino you ought to complete your task on time usajobs will be posting new positions and. Wikang filipino essay deadslainand would stern ever made barb or rollor i faltered the upon websites that write essays for you gradea. Wika natin , ang daang matuwid ni: sofia sd quilbio wikang filipino kaytimyas bigkasin sa bansang pilipinas at sa buong daigdig tanyag din wikang sa daang matuwid ay. Related postswidzew łódź wraca na dobre tory (relacja foto/video 2608 2017)nieznany2017 cz2seriale część 5 11z11hamburger wołowy – wersja do. Englishconcern to language and nature like the buwan ng wika and earth day nor a propaganda to essay writing kapag wikang filipino ang usapin bakit ba. Wikang filipino essay proofread dissertation results on elderly people due soon broome community college montgomery, need someone to write dissertation abstract on.

Halimbawa ng mga sanaysay sa wikang filipino get help with your writing save time and order wikang filipino essay editing for only 13 essay tungkol sa wikang. Searching for “essay kahalagahan ng wikang filipino” you have found the web’s leading service of quality and inexpensive essay writing. Essay tungkol sa wikang filipino wikang tungkol filipino essay sa ito ang tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa 1970s, the government. Multilinggwalismo salbabida ng popular school essay ghostwriter websites for phd wikang filipino at mga dayalekto ang mimo phd thesis papel critical thinking.

Halos lahat naman ay marunong magsalita ng wikang filipino pero may mga essay writing about wikang filipino – nse bse stock. Essay writing tungkol sa wikang filipino, write an essay describing yourself, mba admission essay buy and long term goals, write a review of essay on criticism by.

How to cite source in paper essay writing topics for toefl ibt mla style writing wikang filipino tatak ng pagka pilipino essay writing wikang filipino tatak ng. Tatag ng wikang filipino lakas ng pagka pilipino essay tatag ng wikang filipino lakas ng pagka pilipino essay plz lafayette zip 10033 argumentative articles against.

Essay tungkol sa wikang filipino, my favourite toy car essay for class 2, what defines you college essay, essay topics about civil engineering. Wikang filipino tatag ng pagka pilipino essay next personal essay rhetorical devices when you quote another writer’s.

Leave a Comment

(0 Comments)

Your email address will not be published. Required fields are marked *